ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sen. Miriam Santiago, may lung cancer


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inihayag ni Sen. Miriam Defensor Santiago nitong Miyerkules na siya ay may cancer sa baga at ito'y stage four na.
 
Sa isang pulong-balitaan, sinabi rin ng senadora na  ang kanyang sakit ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang huminga.  

Dagdag pa niya, umaasa siyang sa pamamagitan ng mga gamot na iniinom niya ay gagaling ang kanyang karamdaman sa loob ng anim na buwan.



Batay sa pananaliksik ng GMA News Online, si Santiago at si Sen. Antonio Trillanes IV ang may pinakamaraming absences sa pagbukas ng unang regular session ng 16th Congress. Sa 80 plenary sessions, limang beses lamang nakadalo ang senadora.

Kadalasang inirereklamo niya ang madalas na pagkapagod at naka-medical leave siya mula pa noong 2010.

Ngunit nakapag-deliver naman siya ng speeches sa ilang mga kaganapan sa senado sa loob ng nakalipas na mga buwan. —LBG, GMA News