ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

4 estudyante, kabilang sa 5 nasugatan sa banggaan ng tricycle at SUV sa Ilocos Norte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakunan sa closed-circuit- television camera ang salpukan sa intersection ng Laoag City, Ilocos Norte ang isang tricycle at sport utility vehicle (SUV) na ikinasugat ng lima katao, kabilang ang apat na estudyante.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Biyernes, sinabing makikita sa kuha ng CCTV camera na kapwa mabilis ang takbo ng dalawang sasakyan nang magpang-abot sa gitna ng intersection.



Sa lakas ng pagkakabunggo ng SUV sa tricycle, tumilapon ang drayber ng tricycle at apat nitong sakay na estudyante.

Kalaunan nagkasundo naman umano ang magkabilang panig na hindi magsasampa ng reklamo. -- FRJ, GMA News