ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sa Pilipinas nasawi ang first American hero ng WW II


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kilala niyo ba kung sino ang American pilot na kinikilala ng United States na kanilang first American hero nang sumiklab ang World War II, na nasawi habang nakikipaglaban sa tropang Hapones dito sa Pilipinas?

Taong 1941, ilang araw matapos salakayin ng puwersa ng Japan ang Pear Harbour, inatasan ng pamunuan ng Amerika ang kanilang tropang naka-istasyon sa dating US military base sa Clark Field, Pampanga na ipagtanggol ang Pilipinas.

Kabilang sa mga tumugon sa utos ang 25-anyos na si Capt. Colin Kelly, na nakabase noon sa Clark. Kasama ang kaniyang crew sa B-17 bomber plane (Boeing Flying Fortress), inatake nila ang Japanese invasion fleet na nagbabanta sa Pilipinas.

Matapos ang ginawang pagbomba sa tropa ng Hapones, pabalik na sa Clark ang tropa ni Kelly pero napinsala ang kanilang eroplano sa pag-atake naman ng Japanese fighter planes. Bilang sakripisyo, inutusan ni Kelly ang kaniyang mga kasamahan na tumalon na mula sa eroplano habang sinisikap niyang kontrolin ang lipad nito.

Nakaligtas ang anim na kasamahan ni Kelly pero nasawi siya kasama nang bumagsak niyang eroplano.

Dahil sa kabayanihan ni Kelly, iginawad sa kaniya ng noo'y US President na si Franklin Roosevelt ang Distingued Service Cross. Ilang lugar at gusali sa kaniyang bayan sa Florida ang ipinangalan sa kaniya, pati na ang isang gusali sa Clark na tinatawag na Kelly Theater. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia