ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nabuong ipo-ipo sa palayan sa Calasiao, Pangasinan, nakunan ng video


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakunan ng video ang ipo-ipo sa isang palayan sa Calasiao, Pangasinan na sinasabing nabuo sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan nitong Huwebes.

Sa ulat ni CJ Torrida ng GMA-Dagupan sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Biyernes, sinabing namataan ang ipo-ipo sa baranag Buenlag sa kasagsagan ng pag-ulan nitong Huwebes .

Wala namang naiulat na nasaktan o napinsala sa insidente.

Ayon sa Pag-asa, thunder storm na dulot ng hanging Habagat ang naranasan sa lugar.

Isa umano sa panganib na dala ng thunder storm ang pagkakaraon ng buhawi o ipo-ipo.



Isang pamilya na residente sa lugar ang palagi raw nakaalerto lalo na kapag malakas ang ulan. Noong 2012, naapektuhan daw ang kanilang kabuhayan nang sirain ng buhawi ang kanilang tindahan na gawa sa light materials.

Samantala, binaha naman ang mga palayan sa bayan ng Lingayen dahil din sa malakas na pag-ulan.

Ayon sa mga magsasaka, problema nila kapag malakas ang ulan dahil sa naiipong tubig sa palayan at ang peligro ng pag-apaw ng Agno river.

Kahit hindi pa naman umaapaw ang nasabing ilog, naghahanda na rin ang ilang residente at inilalagay na sa mataas na bahagi ng bahay ang kanilang mga kagamitan. --FRJ, GMA News

Tags: buhawi, ipoipo