ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Trillanes, nais na ilagay sa kostudiya ng militar si Palparan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nanawagan si Senador Antonio Trillanes IV na ilagay sa pangangalaga ng militar ang retiradong heneral na si Jovito Palparan na kasalukuyang nakadetine sa National Bureau of Investigation (NBI).
Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Sabado, sinabing binisita ni Trillanes sa NBI ang kapwa dating sundalo na si Palparan, na nahaharap sa kasong pagkawala ng dalawang babaeng estudyante ng University of the Philippines.
Pero sa halip na ipiit sa karaniwang kulungan sa Bulacan gaya ng utos ng korte, nais ng senador na ilagay na lang sa military detention facility si Palparan bunga ng banta umano sa buhay nito mula sa makakaliwang grupo.
IFrame
Gayunman, nilinaw ni Trillanes na hindi indikasyon na inaabsuwelto niya si Palparan sa kaso pero ipinaalala niya na inosente pa rin ang dating heneral hangga't hindi napapatunayan ng korte ang nagawa nitong kasalanan.
Dagdag pa ng senador, kailangan ipakita ng gobyerno na hindi nito pinapabayaan ang mga sundalong nakipaglaban para sa bayan kahit pa retirado na.
Ipinaalala niya na ang kasong ibinibintang kay Palparan ay nangyari noong aktibo pa ito sa serbisyo bilang isang sundalo.
Nanawagan din siya na iwasan na munang tawaging berdugo si Palparan dahil pa naman napapatunayan ang alegasyon laban sa heneral.
Binansagan ng mga militante at makakaliwang grupo na "berbudo" si Palparan dahil sa pang-aabuso na ginawa umano nito laban sa mga hinihinalang komunista at tagasuporta. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular