ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bulkang Mayon, masusi pa ring minamatyagan sa posibleng pagsabog


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa bulkang Mayon dahil sa patuloy nitong pagbubuga ng makapal na usok.

Sa ulat ni Maila Aycocho ng GMA-Bicol sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Martes, sinabing patuloy na minomonitor ang lokal na pamahalaan at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang aktibidad ng bulkan.

Sa kabila ng pagbuga ng usok, wala namang daw naitalang volcanic quakes sa nakalipas na 24 oras.

Bukod sa makapal na usok, mas tinutukan daw ng Phivolcs ang pamamaga ng bulkan o namumuong lava sa bunganga nito.

Hindi naman maiwasang mangamba ng mga residente na nakatira malapit sa bulkan sakaling bigla itong sumabog.



Paalala naman ng Philvolcs, walang dapat ikabahala ang publiko basta laging maging alerto lamang sa anumang posibleng mangyari.

Nauna nang inihayag ng state seismologists ang nakitang pamumuo ng bagong lava dome na tinatayang may sukat na 30 hanggang 50 meters high.

"(Phivolcs) is raising the Alert Level of Mayon Volcano from Alert Level 1 to Alert Level 2. This means that magma is intruding at depth and that current conditions may eventually lead to a larger eruption," saad sa anunsiyo noong nakaraang linggo.

Mahigpit na ipinapayo ng Philvocs sa publiko na maging alerto at huwag pumasok sa itinakdang 6-km radius Permanent Danger Zone upang makaiwas sa kapahamakan kapag nagkaroon ng pagsabog, pagbagsak o pagguho ng mga bato o lupa. -- FRJ, GMA News