ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Probinsiya na tadtad ng bulkan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mahigit 200 bulkan ang sinasabing nasa Pilipinas at 22 nito ay aktibo. Pero alam nyo ba na mayroon isang lalawigan sa bansa na mas marami pa ang bulkan kaysa munisipalidad? Sa kabila ng kanyang kaliitan, pitong bulkan ang makikita sa Camiguin na mas marami pa kaysa bilang ng munisipalidad nito na anim. Dahil dito ang Camiguin ay binansagan “Born of Fire." Nang pumutok ang Mt. Vulcan Daan noong May 1871, winasak nito at pinalubog sa dagat ang bayan ng Catarman. Umabot naman sa mahigit 3,000 ang namatay sa Mambajao nang pumutok ang Mt. Hibok-hibok noong 1951.-GMANews.TV