ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lolo sa Ilocos Norte, namatay matapos suwagin ng alaga niyang baka
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Namatay ang isang 82-anyos na lalaki matapos siyang suwagin ng alaga niyang baka sa Laoag City, Ilocos Norte, ayon sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Lunes.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, nagpunta ito sa bukid para pastulin ang kaniyang alaga. Pero bigla na lang daw nagwala ang baka hanggang masuwag nito ang lalaki.
Nagtamo ang biktima ng maraming sugat sa dibdib at nabalian din ang tadyang.
Maaari raw na pinalo ng biktima ang hayop kaya ito nagwala at inatake siya.
Plano naman ng pamilya ng biktima na ibenta na ang baka. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Tags: animalattack
More Videos
Most Popular