ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
11-ft. na buwayang sumabit sa lubid, nahuli sa isang ilog sa Palawan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang malaking buwaya na may habang 11 talampakan ang nahuli ng mga residente sa isang ilog sa Brooke's Point, Palawan matapos itong sumabit sa isang lubig.
Sa ulat ng GMA news 24 Oras, sinabing umaga nitong Biyernes nang makita ng isang pamilya na nakatira sa tabi ng ilog ang nagpupumiglas na buwaya.
Dito na nagtulong-tulong ang mga residente para mahuli at maiahon sa ilog ang buwaya.
Gayunman, nangangamba ngayon ang mga residente sa kanilang kaligtasan matapos nilang matuklasan na may buwaya sa ilog.
Susuriin daw ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center ang ilog para alamin kung may naninirahan pang buwaya sa lugar. -- FRJ, GMA News
Tags: buwaya
More Videos
Most Popular