ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

11 katao, nasaktan sa pagguho ng sahig ng isang paaralan sa Naga City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isinugod sa pagamutan ang may 11 katao-- kabilang ang isang estudyante--sa pagguho ng sahig ng lumang silid-aklatan ng Sta. Cruz Elementary School sa Naga City, Camarines Sur.
 
Ayon kay Michael Biando ng GMA-Bicol, naganap ang insidente sa Gabaldon Building dakong 4:00 p.m. nitong Huwebes.

Sa paunang impormasyon, napag-alaman na nagsasagawa ng pulong ang mga magulang, guro at ilang estudyante sa lugar nang bumigay ang sahig ng silid-aklatan.

Sa pagkasira ng sahig, nakita ang maputik na silong ng gusali.

Ayon sa principal na si Adelina Denido, bagong paayos ang nasabing gusali.
 
Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Education tungkol sa insidente— FRJ, GMA News

Tags: collapse