ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dalagitang biktima umano ng rape, nakatakbo bitbit ang shorts ng suspek


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nahaharap sa reklamong rape ang isang opisyal ng barangay sa Laguindingan sa Misamis Oriental dahil paghahalay umano sa kaniya misyong pamangkin na 17-anyos. Ang biktima, may problema rin daw sa pag-iisip.

Sa ulat ni Jeik Compo ng GMA-Northern Mindanao sa GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabi ng magulang ng biktima na posibleng sinamantala ng suspek ang karamdaman ng kanilang anak sa pag-iisip.

Nangyari raw ang pang-aabuso sa biktima habang mag-isa ang dalagita sa bahay. Nakita na lang daw ng mga kapitbahay na tumatakbo ang biktima na dala ang shorts ng suspek na tiyuhin.



Bagaman inamin ng suspek na sa kaniya nga ang shorts na dala ng pamangkin, itinanggi nito na ginahasa niya ang biktima.

Kwento ng suspek, tanghali nang magpunta siya sa bahay ng pamangkin at ang biktima uamano ang nagpapasok sa kaniya sa sala.

Pinahubad din umano ng pamangkin ang kaniyang shorts para tahiin. Pero nang makuha na ang kaniyang shorts, nagtatakbo ito palabas ng bahay.

"Nagtatakbo siya papunta sa kaniyang tiyahin tapos sinabing ni-rape ko siya," anang suspek.

Hinala ng ina ng dalagita, maaaring may ilang taon nang ginagawa ng suspek ang pang-aabuso sa kaniyang anak base na rin sa kuwento umano ng anak.

Hindi lang daw makapagsumbong sa kaniya ang anak dahil sa takot sa biktima, at binibigyan din daw ng P5 ng suspek ang biktima matapos halayin. -- FRJ, GMA News

Tags: rape