ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tricycle, natabunan ng lupa na karga ng tumagilid na trak; 1, patay, 4, sugatan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang pasahero ng bumibiyaheng tricycle ang nasawi nang madaganan ng lupa ang sidecar nito mula sa isang trak na tumagilid at bumangga sa isang welding shop sa Davao City.
 
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabi ng drayber ng trak na si Noel Untal, na nawalan ng preno ang trak kaya nabangga niya ang welding shop at tumagilid ang sasakyan.
 
Nasugatan sa welding shop ang isang trabahador at isang kostumer dahil sa pagbangga ng trak.
 


Nasugatan din ang drayber ng tricycle at isang batang pasahero na nadaganan ng lupa mula sa trak.
 
Isa pang pasahero ng tricycle ang hindi naman pinalad na makaligtas sa trahediya.
 
"Galing pa sa Uraya ang dump truck na ito. Pagkatapos tumagilid siya. Pagkatagilid niya, sumalubong yung sidecar, nabangga ng trak. Tapos natabunan ng lupa ang sidecar," ayon sa isang saksi.
 
Kusang sumuko naman sa himpilan ng pulisya si Untal matapos ang nangyari.
 
Ilang minuto naman matapos ang nabanggit na trahediya, isa pang trak ang nawalan din umano ng preno at sumubsob sa gilid ng kalsada.
 
Nangyari ang ikalawang aksidente ilang metro lang ang layo sa tumagilid na trak ni Untal. -- FRJ, GMA News