ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mag-asawa, arestado matapos ang umano'y bentahan ng sanggol sa Las Piñas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Arestado ang tatlo katao sa isang lying-in clinic sa Las Piñas matapos masangkot sa isang umano'y bentahan ng sanggol. 
 
Ayon sa ulat ng GMA News TV Live nitong Lunes, huli sa buy-bust operation ang isang lalaki nang makipagtransaksyon sa ahente ng National Bureau of Investigation na nagpanggap na bibili ng bata. 
 
Nakuha mula sa suspek ang mark money na nagkakahalagang P35,000.
 

Huli rin sa nasabing operasyon ang kanyang asawang midwife, at ang ina ng batang ibinebenta na naabutan sa isa sa mga silid sa klinika. 
 
Itinanggi naman ng ina ng sanggol ang mga paratang sa kanya, ngunit aminado itong nais niyang ipaampon ang bata dahil hindi niya na raw ito kayang buhayin.
 
Sasampahan ng kasong child trafficking ang tatlo. — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News