ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

1 na namang buwaya, nahuli sa ilog sa Palawan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa namang buwaya ang nahuli ng mga residente sa Palawan. Sa ulat ng GMA News TV's News To Go nitong Martes, sinabing may habang mahigit pitong talampakan ang buwaya na nahuli sa Malinao river sa Narra, Palawan.

Ayon kay Ferdinand Zaballa, kapitan ng barangay, matagal na umano silang nakatatanggap ng impormasyon tungkol sa nakikitang buwaya sa ilog.

Sa hiwalay na ulat ni GMA News stringer Ruth Rodriguez sa dzBB radio, sinabi ni Zaballa na nahuli ang buwaya malapit sa boundary ng Panacan 1 at Barangay Malinao.

 
"May mga sightings na before like December, may mga sightings. Pero ngayon lang talaga kami nakahuli na talagang na-trap siya," anang lokal na opisyal.
 
Sa inisyal na impormasyon, may haba umano ang buwaya ng 2.16 meters o 7.08 feet.
 
Nitong nakaraang Setyembre 5, isang buwaya rin ang nahuli ng mga residente sa isang ilog sa Brooke's Point. -- FRJ, GMA News

Tags: buwaya, crocodile