ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga nakatira sa danger zone ng Mayon, inilikas; mga turista, binalaan na 'wag lumapit sa bulkan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kasunod ng babala na posibleng sumabog ang bulkang Mayon sa Albay, sinimulan na nitong Martes ng gabi ang paglilikas sa mga residenteng nasa danger zone sa paligid ng bulkan. Ang ilang evacuation center, siksikan na umano.

Sa ulat ni Isay Reyes sa GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing tuloy pa rin ang pag-aburoto ng Mayon kaya tuloy rin ang evacuation sa mga residente nakatira sa loob ng six to eight permanent kilometer danger zone.

Sa nakalipas na magdamag, naglabas umano ng fragments mula sa lava dome ang bulkan. Nakapagtala ang Phivolcs ng mahigit 200 rockfalls na nagdulot ng pagyanig, at mahigit 40 pagyanig na dulot ng paggalaw sa loob ng bulkan.

Nitong Martes ng gabi, nagsilikas na ang residente sa mga bayan ng Sto. Domingo at Guinobatan na kabilang sa permanent danger zone.



Ang iba naman, dumiskarte na sakaling kulangin daw ang mga silid sa evacuation center.

Sa barangay Alcala sa bayan ng Daraga, may ilan na naghintay para mailikas.

Masakit man daw na iwan ang kanilang mga tirahan at kabuhayan, mas mabuti na raw na maging ligtas.

Ang mga nasa bayan naman ng Camalig na nauna nang inilikas, siksikan sa evacuation center.

Pero kaya naman daw nila itong tiisin malayo lamang sa peligro ng bulkan.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, nailipat na ang 2,898 pamilya mula mga lugar na nasa permanent danger zone.

Pipilitin daw nilang tapusin ang evacuation sa iba pang nakatira sa loob ng permanent danger zone.

Patuloy naman naman ang babala at paalala ng lokal na pamahalaan sa mga turistang na huwag nang pumunta sa Mayon dahil mapanganib ito. -- FRJ, GMA News