ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bayani nakilala ang labi dahil sa gintong ngipin


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos mapatay sa pakikidigma sa mga sundalong Amerikano noong 1899, muling ipinahukay ang labi ng pinakabatang heneral noong 1930 at nakilala siya sa pamamagitan ng kanyang “gintong ngipin." Kasama may 60 tauhan, ang 24 anyos na si Heneral Gregorio “Goyong" del Pilar ang naatasan na humarang sa puwersa ng may 500 sundalong Amerikano at ipagtanggol ang “Tirad Pass" sa kabundukan ng Ilocos Sur. Ngunit bago makipagsabayan sa mga kalaban, pinapili ni Del Pilar ang kanyang mga tauhan kung nais nilang mamatay ng lumalaban o tumakas na mga duwag. Ang mamamatay ng lumalaban ang kanilang pinili at naganap ito noong Disyembre 2, 1899. Ilang oras tumagal ang pakikibaka ng grupo ni Del Pilar sa mga sundalong Amerikano. Napatay ang batang heneral dahil sa tama ng bala sa leeg. Pinagkaguluhan ng mga sundalong Amerikano ang kanyang labi at kinuha ang kanyang mga gamit kasama na ang diary. Ilang araw nakalantad ang hubad na bangkay ni Del Pilar bago ito ipinalibing ni US Lt. Dennis Quinlan. At bilang paghanga sa katapangan ng batang heneral, iniwanan niya ito ng marka na nagsasaad na, “Commanding Aguinaldo's Rear Guard, An Officer and a Gentleman." Taong 1930 nang ipahukay ang labi ni Del Pilar at nakilala siya sa gintong ngipin na ipinalagay niya nang magpunta siya sa Hong Kong. Taong 1953 naman nang palitan ang pangalan ng munisipalidad ng Concepcion sa Ilocos Sur para ipangalan kay Del Pilar.-GMANews.TV