ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagpapagawa ng mga nasirang simbahan sa Bohol, nahinto dahil kulang sa pondo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kasalukuyang ipinagpaliban ang pagpapagawa ng mga matatandang simbahang sa Bohol na nawasak ng lindol noong nakaraang taon dahil hinihintay pa diumano ang pondo mula sa gobyerno.

Sa isang pahayag sa radio, sinabi ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso na marami pa ang dapat gawin sa mga nasirang simbahan.

Sa isang bukod na pahayag, sinabi nito na hinihintay pa nila ang pondo na manggagaling sa gobyerno upang maipagpatuloy ang pagpapaayos ng mga nasirang gusali.

Sa kasalukuyan, labintatlong alternatibong simbahan na ang naipatayo kapalit ng mga nasirang simbahan.

Maaari umanong gawing mga paaralan ito kapag naisaayos na ang mga lumang gusali.

Samantala, aalalahanin naman ng Diyosesis ng Tagbilaran ang trahedya sa pamamagitan ng mga sining.

“We are still (rebuilding) what we have lost during this earthquake on October 15 [2013]. In fact we will commemorate [its] October 16 anniversary to wake up again the consciousness of our people …at the same time, to exercise from the bad effects of earthquake. We’re preparing a program, a drama play, and painting. But we know we have still a long long way, but our people are more positive in their approach [that's what is] most important,” ani Medroso.

Si Medroso rin ang tagapangulo ng  CBCP Permanent Committee on the Cultural Heritage of the Church. — Rouchelle R. Dinglasan/DVM, GMA News