ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Air Force chopper at fire boat, tumulong sa pag-apula ng sunog sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umabot sa 50 bahay sa Davao City ang tinupok ng apoy na hinihinalang nagsimula sa pinaglaruang posporo.
 
Sa ulat ng GMA news Saksi, sinabing naganap ang sunog nitong Martes ng tanghali sa Barangay Panacan, Davao city.



Sumalok muna ng tubig mula sa dagat ang helicopter at saka ibinagsak sa nasusunog na mga bahay.

Nagbuga rin ng tubig ang fireboat upang maapula kaagad ang apoy.

Ang mga residente naman, hindi alintana ang panganib at pilit na isinasalba ang kanilang mga gamit.

Hinihinalang nagsimula ang sunog dahil lang daw sa paglalaro ng posporo ng ilang bata.

Sa gym ng lungsod pansamantalang tumutuloy ang mga nasunugan. -- FRJ, GMA News

Tags: firedavao