ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Isa pang reklamong rape vs Vhong Navarro, ibinasura ng piskalya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ibinasura ng Quezon City Prosecutor's Office ang reklamong panggagahasa na inihain ng isang stuntwoman laban television host at aktor na si Vhong Navarro nitong Huwebes.

Sa ulat ng GMA News TV Live, sinabing nakasaad sa resolusyon ng piskalya na maliban sa pagkakantala sa paghahain ng reklamo, wala rin daw naipakitang matibay na ebidensiya ang nagrereklamong si Mae Fajardo para patunayan ang alegasyon nito laban sa aktor.



Nakasaad din umano sa desisyon ng piskalya na lumilitaw na naganap ang sinasabing insidente habang maraming tao sa paligid kaya wala raw dahilan para matakot si Fajardo kay Navarro.

Batay sa naunang ulat, sinabi ng biktima na nangyari ang pang-aabuso sa kaniya ni Navarro noong Setyembre 2009, sa loob ng sasakyan.

Bukod kay Fajardo, naghain rin ng reklamong rape laban kay Navarro pero naibasura rin sina Deniece Cornejo at Roxanne Cabanero. -- FRJ, GMA News

Tags: vhongnavarro