ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Cebu, nasungkit ang Guinness record para sa largest Zumba class


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakapagtala ng bagong rekord ang Pilipinas matapos kilalanin ng Guinness World Record ang Cebu city na nakapagtala ng world's biggest Zumba class.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Lunes, sinabing kinumpirma ni Guinness World Record adjudicator Provin Patel  na nasa 8,232 katao ang nakilahok sa Zumba class na ginanap sa SM City nitong weekend.



Higit na marami ito kumpara sa naitalang 6,671 katao na lumahok sa India noong 2012, ayon pa sa ulat.

Para sa Zumba class, inatasan ng GWR na kailangan ang 30-minute non-stop dance para sa basic Zumba upang makuha ang rekord.  Ang pagtitipon ay pinangunahan ng certified Zumba Instructors Network (ZIN) sa Pilipinas.

Humanga naman si Patel sa ipinakitang desiplina ng mga lumahok sa pagtitipon, at ang seguridad na ibinigay ng Police Regional Office 7. -- FRJ, GMA News