ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 bata, nawawala matapos matangay ng malakas na agos ng tubig sa ilog


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nawawala ang dalawang bata sa Urdaneta city, Pangasinan matapos silang matangay ng malakas na agos sa ilog. Pahirapan ang paghahanap sa mga biktima dahil bukod sa malalim ang ilog, kulang din sa gamit ang mga rescuer.

Sa ulat ni Hazel Cawaing ng GMA-Dagupan sa GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, sinabing labis ang paghihinagpis ni Remedios Bergado dahil sa sinapit ng 10-taong-gulang niyang anak na si Katrina.



Natangay ng agos ng tubig ang bata sa Mitora river sa lungsod ng Urdaneta.

Dakong 1:00 p.m. nitong Martes nang yayain daw si Katrina ng kaniyang kapatid na si Daisy na maligo sa ilog.

Kasama rin nila noon ang kanilang kalaro na si Mary Ann Pangilinan na 9-taong-gulang.

Pawang hindi marunong lumangoy ang mga ito.

Ayon kay Daisy, natangay sila ng malakas na agos ng tubig hanggang sa mapunta sila sa malalim na bahagi nito at natangay sina Katrina at Mary Ann.

Patuloy ang paghahanap ng mga rescue team sa dalawang bata. -- FRJ, GMA News

Tags: drowning