ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mas marami ang Pinoy pero…


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kung pagbabatayan ang pag-aral ng National Statistics Coordination Board, lumilitaw na mas marami na ngayon ang populasyon ng mga lalake kaysa mga babae sa Pilipinas. Bagaman mas marami ang mga Pinoy, lumilitaw naman na mas mahaba ang buhay ng mga Pinay. Tinatayang aabot sa 44.6 milyon ang bilang ng mga lalake sa 2007 habang 44.1 milyon naman ang mga babae. Ang mga lalake ay pinapaniwalaan na mayroon life expectancy na 66.1 years habang 71.6 years naman sa babae. Idinagdag pa na mas matiyagang mag-aral ang mga babae kung saan 5.5 percent sa kanila ang nakakatapos ng kolehiyo kumpara sa 3.9 percent sa mga lalake.-GMANews.TV

Tags: pinoytrivia