ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

8-anyos na babae, nakitang patay sa sapa sa Laguna; hinihinalang biktima ng rape


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Walang saplot at nakalublob ang mukha sa tubig nang makita ang bangkay ng isang 8-anyos na babae sa isang sapa sa Biñan, Laguna.
 
Sa ulat ni Susan Enriquez sa GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabing katarungan ang sigaw ng pamilya ng biktimang si April Erispe, residente ng Barangay Tubigan, Biñan, Laguna.

Ayon sa ina ng bata na si Gng. Gretel Erispe, nagtaka siya nitong Linggo ng umaga dahil wala ang bunsong anak na kadalasang nangungulit sa kaniya ng pambili ng pandesal.



Dakong 6:00 am daw nang lumabas ng bahay ang biktima para maglaro. At pagsapit ng 10:00 a.m., nakita na ang kaniyang bangkay sa sapa sa barangay Zapote.

Paniwala ng mga opisyal ng barangay, maaaring ilang oras pa lang ang nakalilipas nang mangyari ang krimen mula nang makita ang katawan ng biktima.

Nakunan din sa cctv ang biktima na isinakay ng isang lalaki sa bisikleta.

Nakiusap muna ang pulisya na huwag munang ipakita ang mukha ng suspek upang hindi mapurnada ang operasyon.

Muli namang nagpaalala ang mga awtoridad sa mga magulang na laging babantayan ang kanilang mga anak. -- FRJ, GMA News

Tags: childrape