ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dating GMA News anchor na si Raffy Marcelo, pumanaw na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Binawian na ng buhay ang beteranong mamamahayag at dating GMA News anchor na si Raffy Marcelo nitong nakaraang Sabado ng umaga.
 
Pumanaw ang 65 taong gulang na mamamahayag dahil sa cardiac arrest na resulta ng congestive heart failure.
 
Ipagdiriwang sana ni Marcelo ang kanyang kaarawan sa Nobyembre 18.

 
Matatandaang nakasama niyang maging news anchor sina Tina Monzon-Palma, Sharon Lacanilao, at Jimmy Gil noong 1980s, habang nakasama naman siya noong 1990s nina Marga Ortigas, Georgette Tengco, at Gin de Mesa.
 
Nagbigay naman ng abiso ang kanyang pamilya para sa mga gustong makiramay. Ayon sa kanila, maaari na lamang mag-post ng pakikiramay sa pamamagitan ng Facebook page ni Marcelo. —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News
Tags: raffymarcelo