ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bag ng call center agent na may instant noodles, tinangay ng holdaper na naka-Innova


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang isang holdaper na nasakote sa Shaw Boulevard, Mandaluyong matapos biktimahin ang isang call center agent.

Sa ulat ng GMA News TV's QRT nitong Martes, ipinakita ang kuha sa mga CCTV camera sa lugar na nakatulong para madakip ang suspek habang sakay ng Innova.

Kaagad na nakapagsumbong ang biktima sa mga pulis kaya natunton kaagad ang kinaroroonan ng suspek na nahagip pa sa camera na nagtanggal ng leather jacket bago sumakay sa kotse.



Narekober sa suspek ang bag ng kaniyang biktima na natuklasan na ang laman ay instant noodles.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang suspek sa mga holdapan sa Quezon City noong isang buwan.

Basahin: Holdaper na umatake sa Mother Ignacia sa Q.C., may plakang '8' ang gamit na SUV
 
Matatandaan na nahagip din ng CCTV camera ang operasyon ng isang holdaper na gumagamit ng silver Toyota Innova na may plakang "8," na gamit sa sasakyan ng mga congressman.

Dalawang beses nakapambiktima ang naturang suspek na nang-agaw din ng bag sa bahagi ng Mother Ignacia St. sa Quezon City. -- FRJ, GMA News

Tags: robbery