ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Unang iskor sa PBA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang suwabeng lay-up mula kay Gregorio “Joy" Dionisio ang nagsilbing unang iskor sa kasaysayan ng unang professional basketball league sa Asya, ang Philippine Basketball Association (PBA) na naganap noong Abril 9, 1975. Ang Concepcion-Carrier at Mariwasa-Noritake ang dalawang koponan na unang nagtunggali sa PBA. Nasa team ng Carrier si Dionisio nang gawin niya ang makasaysayang lay-up sa Araneta Coliseum sa Cubao. Ngunit ang unang panalo ng isang koponan ay inangkin ng Noritake sa iskor na 101-98. Tumagal ng siyam na season sa PBA si Dionisio kung saan nakapaglaro din siya sa koponan ng Crispa, Utex at Galeria Dominique.-GMANews.TV

Tags: oddsandends