ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Hustisya, hiling ng mga kaanak ng pinaslang na babaeng Navy officer


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hustisya ang panawagan ng mga kaanak ng pinaslang na Philippine Navy officer na natagpuang patay sa loob mismo ng Marine headquarters sa Fort Bonifacio sa Taguig City noong Miyerkules.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabing nagtamo ng tama ng bala sa mukha ang biktimang si First Lieutenant Shelina Calumay.

Si Calumay, tubong Batac, Ilocos Norte, ay "aide" ng Naval Inspector General' at isa ring special disbursement officer.



Inilarawan ng mga kaanak ni Calumay na napakabait ng biktima kaya hindi nila maisip kung bakit ito pinaslang.

Nagdadalang tao rin daw ang biktima at may maliit na anak.

Pinaghahandaan na ang pag-uwi sa Ilocos ng kaniyang mga labi.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang iniimbestigahan ng pulisya tungkol sa krimen. -- FRJ, GMA News