ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Red tide alert, inalis na sa bayan ng Alaminos City sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bumalik na sa pagtitinda ng shellfish ang mga tindera sa Alaminos City, Pangasinan matapos alisin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) red tide alert sa lugar.

Ayon sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon, negatibo na sa red tide toxin ang mga baybayin doon sa pinakahuling pagsusuri ng mga awtoridad.

Inaasahan namang makakabawi na ngayon ang mga tindera sa pagbebenta ng shell fish.

Halos dalawang buwan ding ipinagbawal ng mga awtoridad ang pagtitinda ng shellfish sa lugar dahil sa red tide.

Gayunman, nananatili naman ang red tide alert sa katabing bayan nito na Bani.



Samantala,  pinasabog ng mga pulis ang isang granada na nakita sa isang ilog sa barangay Pantal sa bayan Manaoag, Pangasinan.

Ayon sa mga awtoridad, isang lalaki ang nagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa nakitang granada sa ilog. Inaalam pa kung saan ito nanggaling.

Kinakalawang na ang granada pero puwede pa rin umano itong sumabog at makapinsala. -- FRJ, GMA News

Tags: redtide