ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Cavite councilor, pinatay sa araw ng kasal ng kaniyang anak


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay sa pamamaril ang isang konsehal sa kaniyang farm sa Tanza, Cavite. Ang krimen, nangyari sa mismong araw ng kasal ng anak ng biktima.

Si ulat ni John Consulta sa GMA News 24 Oras nitong Sabado, sinabing isang tama ng bala sa ulo at sa dibdib ang kumitil sa buhay ni Konsehal Willie Nuñez.



Natagpuang ang katawan ni Nuñez sa kaniyang farm sa Tanza, sa mismong araw ng kasal ng kaniyang anak na babae.

Kuwento ng mga saksi, nakarinig sila ng apat na putok ng baril.

Ikinukonsiderang suspek sa pagpatay ang katiwala ng konsehal, na pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad. -- FRJ, GMA News