ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ginamit na puting van sa bigong kidnap sa Quiapo, isinuko ng may-ari sa pulisya
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isinuko sa Manila Police District nitong Huwebes ng may-ari ang puting van na nirentahan umano at nasangkot sa bigong pagkidnap sa ilang kabataan sa Quiapo sa Maynila kamakailan.
PHOTO: Van for rent na ginamit umano sa serye ng kidnapping, isinuko sa MPD. | via @glenjuego pic.twitter.com/ONnNM5ccK0
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 4, 2014
Sinabi sa ulat ng dzBB radio na dinala ng may-ari ng van na may plakang WOW-232 sa MPD headquarters.
Hinahanap na ngayon ng mga pulis ang dalawang lalaki na nagrenta sa sasakyan na kinilala sa pangalang Labarda at Millares.
Sa larawan na nakapost sa dzBB mula sa reporter na si Glen Juego, ipinakita ang van na isang Nissan Urvan.
Nitong Miyerkules ng gabi, iniulat sa GMA News 24 Oras ang kuha sa closed-circuit-television-camera na nagpakita sa nangyaring bigyang pagkidnap sa ilang kabataan na naglalakad sa kalye.
Nahagip ng cctv ang nabanggit na puting van na ginamit umano ng mga suspek.
Ayon kay Quiapo Church rector Msgr. Clemente Ignacio, nangyari ang insidente noong Nobyembre 27 sa Hidalgo Street.
Nagtataka si Ignacio sa tangkang pagkidnap sa mga kabataan gaying hindi naman mayaman ang mga ito.
Sumulat na rin ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo upang hilingin kay Manila Mayor Joseph Estrada na dagdagan ang police visibility sa lugar dahil sa insidente.
Inihayag ng alkalde na tutugunan niya ang naturang kahilingan.— FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular