ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Batang lalaki, malubhang nasugatan matapos pumutok ang pinaglaruang baril
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib at sugat sa mukha ang isang apat-na-taong-gulang na lalaki nang pumutok ang pinaglaruan niyang baril na pag-aari umano ng kaniyang lolo.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente sa Isabela, Negros Occidental.
Ayon sa lola ng bata, kinuha ng kaniyang apo ang baril sa loob ng bag ng kaniyang lolo.
Napag-alamang isang tanod at civilian asset ng pulisya ang lolo ng biktima.
Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung may lisensya ang naturang baril.
Kasalukuyang nagpapagaling ang bata sa ospital. -- FRJ, GMA News
Tags: shootingincidents
More Videos
Most Popular