ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Taxi driver na nangholdap daw sa kaniyang 2 pasahero, nahuli


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naaresto ng mga awtoridad ang isang taxi driver matapos na holdapin umano ang kaniyang mga pasahero.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabi ng magtiyahing biktima na  galing sila sa NAIA Terminal 3 at magpapahatid sana sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling araw.

Pero pagsapit nila Andrews Avenue, bigla raw huminto ang taxi at sumakay ang dalawang lalaki na may dalang patalim.

WATCH: Tips para hindi mabiktima ng krimen sa pagsakay ng taxi


BABALA: Holdaper, nang-'carjack' ng taxi para makapang-holdap ng pasahero

Matapos na makuha ang kanilang pera, pinababa na raw ang mga biktima.



Nagawa namang makuha ng magtiyahin ang plaka ng taxi kaya natunton kaagad ito ng mga pulis.
Itinanggi naman ng driver na hinoldap niya ang magtiyahin at sinabing nagalit lang daw ang mga ito sa kaniya.

Dagdag ng suspek, nakisakay lang sa kaniyang taxi ang dalawa niyang kapwa driver.

Nahaharap sa reklamong robbery ang naarestong suspek, habang hinahanap pa ang dalawa niyang kasamahan. -- FRJ, GMA News