ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga lugar sa bansa na peligroso sa daluyong o storm surge


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Batay sa listahan na inilabas ng Project NOAH ng Department of Science and Technology, mayroong 29 na lugar sa bansa ang peligroso sa pagtama ng daluyong o storm surge na maaaring idulot ng malakas na bagyo.

Sa naturang pag-aaral na inilabas kamakailan ng Project NOAH o Nationwide Operational Assessment of Hazards, ang malakas na bagyo na kayang makalikha ng daluyong na umabot sa 3.39 metro (11.12 feet) hanggang sa pinakamataas na 7.45 metro (24 feet) ay maaaring tumama sa mga lugar na malapit sa karagatan.

Nanguna sa naturang listahan ng Project NOAH ang barangay Cabunga-An sa Sta. Rita, Samar na ang daluyong ay maaaring umabot sa pinakamataas na 7.45 metro. Nasa mahigit anim na metro naman ang pinakamataas na daluyong na maaaring tumama sa Duka, Barugo, Leyte (6.84); Alacalian, Taytay sa Palawan (6.71); Agdaliran sa San Dioniso, Iloilo (6.29); Esperanza, Cabucgayan, Biliran (6.26); at Adiangao sa San Jose, Camarines Sur (6.17).

Nasa hanggang limang metro naman ang pinakamataas na daluyong na posibleng maranasan sa Arbismen sa Guinayangan, Quezon (5.86);  Armenia sa bayan ng Uson, Masbate (5.45); Biasong, Libagon, Southern Leyte (5.32); Mabatang, Abucay, Bataan (5.04); Catadman, Basilisa, Dinagat Islands (5.00) at Libuac, Surigao, Surigao del Norte (5.00).
 
Kabilang naman sa listahan ng hanggang apat na metrong daluyong ang Daanglungsod sa Toledo, Cebu (4.77); San Francisco 2 sa Talibon, Bohol (4.45); Bambang sa Bulacan, Bulacan (4.42); Banquerohan sa Cadiz, Negros Occidental (4.41); Bacjao, Buenavista, Guimaras (4.41); Alimsog sa Santo Domingo, Albay (4.36); Capinahann, Bais, Noegros Oriental (4.05) at Balogo, Pilar sa Capiz (4.04).

Basahin: Ano nga ba ang daluyong o storm surge?
 
Nanguna naman ang Maynila (3.90) sa listahan ng mga lugar na pasok sa hanggang tatlong metrong taas na daluyong. Kasama rito ang Abejao sa Salcedo, Eastern Samar (3.87); Caglayag, Carrascal sa Surigao del Sur (3.72); Basiad sa Sta. Elena, Camarines Norte (3.65); Salaman, Kapatagan, Lanao del Sur (3.65); Linokmadalum sa Lapuyan, Zamboanga del Sur (3.59); Tulayan Island, Luuk, Sulu (3.46) at Mongpong, Sta Cruz, Marinduque (3.39). -- FRJ, GMA News
 

Tags: pinoytrivia