ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Magkapatid na umano'y 'hitman' sa Aklan, nadakip
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Naaresto ng mga awtoridad sa Kalibo, Aklan ang magkapatid na itinuturing mga kilabot daw na hired killer sa lalawigan. Kabilang daw sa mga planong itumba ng magkapatid ang isang huwes at isang piskal.
Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Martes, sinabing naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang magkapatid na sina Romnick at Rey Piano ng barangay Agbalogo, Makato, Aklan.
Nahaharap ang dalawa sa kasong murder. Bukod dito, kinasuhan din sila sa umano'y planong pagpatay sa isang piskal at isang huwes sa Aklan.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga suspek. -- FRJ, GMA News
Tags: gunforhiregroup, hitman
More Videos
Most Popular