ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babae, sinabuyan ng kumukulong mantika sa mukha ng karibal sa pagtitinda ng banana cue


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nauwi sa pagsasaboy ng kumukulong mantika ang kompetisyon ng dalawang babae sa pagtitinda ng babana cue sa Cebu City. Ang dalawang tindera, napag-alaman na dati palang matalik na magkaibigan.

Sa ulat ni Chona Carren ng GMA-Cebu sa Balita Pilipinas nitong Huwebes, sinabing nagtamo ng matinding paso sa mukha, binti at paa ang banana cue vendor na si Jerame Panginahug.

Ang itinuturong nagsaboy ng mainit na mantika sa biktima ay ang dati raw nitong kaibigan na si Rhenalyn Cantiveros.

Ayon kay Panginahug, magluluto na sana siya ng ibebenta niyang banana cue nang lapitan siya at komprontahin at sabuyan ng mainit na mantika ni Cantiveros.



Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na kompetisyon sa negosyo ang ugat ng gulo.

Nagalit daw si Cantiveros nang gayahin ni Panginahug ang pagtitinda nito ng banana cue at naging kakompetisyon niya sa pagtitinda ng nabanggit na pagkain.

Labis-labis naman paghingi ng paumanhin si Cantiveros, na nagsabing wala siyang intensiyon na buhusan ng mainiit na mantika ang dating kaibigan.

Nadala lang daw niya iyon dahil sa matinding galit.

Gayunman, desidido si Panginahug na sampahan ng reklamo ang si Cantiveros na mahaharap sa kasong serious physical injury. -- FRJ, GMA News