Billion dollar Pinoy
Mayroon anim na anak ang sinasabing pinakamayamang tao sa Pilipinas na ang halaga ng mga negosyo ay tinatayang umaabot sa $4 bilyon. Sa listahan ng 2006 Forbesâ Asia, tatlo lamang ang nakalista bilang âbillion dollar Pinoy." Una rito ang âmall king" na si Henry Sy, 82, may-ari ng mga SM malls. Bukod sa malls, pasok din si Sy sa banking industry dahil pag-aari niya ang Banco de Oro at China Bank. Sumunod kay Sy bilang pinakamayaman si Lucio Tan na ang ari-arian ay tinatayang nagkakahalaga ng $2.3 bilyon. Si Tan ang may-ari ng Philippine Airline, Air Philippines, Asia Brewery at Fortune Tobacco. Pangatlo sa listahan ng mga billion dollar Pinoys si Jaime Augusto Zobel de Ayala na may ari-arian na umaanot sa $2 bilyon. Pag-aari niya ang Ayala Corp., ang pinakamatandang conglomerate sa Pilipinas na itinayo noong 1834.-GMANews.TV