9-anyos na babae, pinapapanood daw ng sex video bago halayin ng tiyuhin
Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad sa Davao City ang isang lalaki na paulit-ulit daw humalay sa kaniyang sariling pamangkin.
Ayon sa biktima na siyam na taong gulang, sinimulan siyang abusuhin ng suspek nang anim na taong gulang pa lang siya.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabi ng biktima na pinapapanood pa raw siya ng malalaswang video ng tiyuhin bago siya halayin.
Hindi raw niya nagawang makapagsumbong dahil sa takot.
Ang lola ng biktima ang naghain ng reklamo laban sa suspek matapos na may magsumbong sa kaniya na nakitang hinahalikan nito ang bata.
Batay sa resulta ng medical examination sa bata, may nakitang naghilom na sugat sa maselang bahagi ng katawan ng biktima.
Hinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang suspek. -- FRJ, GMA News