4 na ‘treasure hunters,’ patay matapos makuryente sa kanilang hinuhukay
Patay ang apat na lalaki na sinasabing mga treasure hunter matapos silang makuryente at mahulog sa may 25 talampakang lalim ng kanilang hinuhukay sa Dabao City, Cebu nitong Biyernes.
Sa ulat ni RGMA Cebu's Kit Matos Cortez sa dzBB radio nitong Sabado, kinilala ang mga biktima na sina Ernesto Ogabao, 49; Jess Christian Miguel, 21; Dionel Mayon, 19; at Amick Bunconseho.
Nangyari umano ang trahediya nitong Biyernes sa Barangay Maslog sa Danao City.
Sa paunang imbestigasyon, lumitaw na naghuhukay ang mga biktima sa lugar na umabot na ang lalim sa 25 hanggang 30 talampakan.
Sa kasamaang palad, napahawak umano ang isa sa mga biktima sa kawad ng kuryente na ginagamit sa water pump kaya nakuryente ito at nahulog.
Tinangka naman ng tatlo niyang kasamahan na sumaklolo pero nakuryente rin ang mga ito. — FRJ, GMA News