ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dayuhang nag-jaywalking, dinuraan daw si Manila vice mayor Isko Moreno


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang dayuhang student pilot ang inaresto nitong Martes ng hapon makaraang pumalag nang arestuhin dahil sa pag-jaywalking at dinuraan pa umano sa likuran si Manila Vice Mayor Isko Moreno.
 
Sa ulat ng dzBB radio, sinabi ni Moreno na tinangka ng dayuhan na sikuhin siya nang sitahin nila ito dahil sa pag-jaywalking.
 
"Itong foreigner na ito, tumawid sa gitna while green ang stoplight. Bakit daw namin inaaresto. Nang tinatabi namin siniko ako. (Nang dinadala) sa presinto dinuraan ako sa likod. Medyo malaking tao kaya malakas pumalag, hindi natin papayagan ito," pahayag ng bise alkalde sa panayam ng dzBB radio.

 
Sa  post sa Twitter ni dzBB reporter Manny Vargas, kinilala nito ang dayuhan na si Amro Aboud Hassan Eitayeb, 23, isang Sudanese student pilot.
 
Sa paunang imbestigasyon, sinabing nag-jaywalking ang dayuhan sa bahagi ng Roxas Boulevard.
 
Dinala si Eitayeb sa Manila Police District's General Assignments Section.
 
Inaalam ng mga pulis kung lasing o nakainom ng alak ang dayuhan— FRJ, GMA News
Tags: iskomoreno