ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

5 katao, patay sa pagtaob ng bangka sa Iloilo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang limang tao nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Carles, Iloilo, ayon sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Biyernes ng gabi.

Base sa imbestigasyon, 10 ang unang naitalang nawawala sa nangyaring trahediya malapit sa Isla Naburot nitong Huwebes.



Apat sa mga sakay naman ang nakaligtas na pero may isa pang pinaghahahanap.

Nakuha naman ang bangkay ng limang nasawi, pero naanod muli ng dagat ang dalawa kaya kinailangang hanapan muli.

Tumaob daw ang bangka nang mawalan ito ng balanse dahil sa papunta sa katig nito ang isang sakay na umano'y lasing. -- FRJ, GMA News