ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga batang naglaro ng apoy, hinihinalang dahilan ng sunog sa Cebu City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hinihinalang ang paglalaro ng ilang bata ng posporo at kandila ang sanhi ng sunog sa isang barangay sa Cebu city na tumupok sa 11 kabahayan.

Sa ulat ni Alan Domingo sa GMA-Cebu sa News TV's Balitang Pilipinas nitong Martes, sinabing naganap ang sunog sa Sitio Riverside, barangay Capitol Site sa nabanggit na lungsod.



Sa sikip ng mga daanan, naging nahirap para sa mga bumbero na maabot ang mga nasusunog na bahay.

Ang ilang residente, kaniya-kaniya sa pagmamadali na maisalba ang kanilang mga ari-arian.

Naapula naman ang sunog pagkalipas ng may 20 minuto. Lumalabas naman sa imbestigasyon na pinaglaruang posporo at kandilang ng mga bata ang sanhi ng sunog. -- FRJ, GMA News

Tags: fireincident