ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Malamig na panahon, nakakaapekto sa ilang pananim na gulay sa Benguet


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa malamig na klima ngayon, nababalot na ng namumuong yelo o "frost" ang tanim na gulay at bulaklak sa Atok, Benguet.

Sa ulat ng GMA News 24 Oras, sinabing nitong Huwebes ng umaga ay naitala sa eight hanggang nine degrees celsius ang temperatura sa nabanggit na lugar.

Dahil din sa "frost" nitong mga huling araw ng Disyembre, nasira ang aabot sa mahigit isang ektaryang gulayan sa Atok.



Maging ang ilang tanim na bulaklak, hindi rin nakaligtas.

Sa ngayon, wala pa naman daw epekto sa suplay at presyo ng gulay ang pinsalang idinudulot ng "forst" sa mga pananim.

Sa Mega Q-Mart sa Quezon City, bumaba pa ang presyo ng ilang gulay mula Baguio gaya ng cauliflower, broccoli, repolyo at carrots.

Bukod sa marami ang suplay ng gulay, matumal din umano ang bentahan ng produkto. -- FRJ, GMA News