ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Unang Cardinal na Pinoy


Alam nyo ba na ang Cardinal Santos Medical Center ay ipinangalan sa unang Filipinong cardinal ng bansa? Siya si Rufino Jiao Santos na nagsilbing Arsobispo ng Maynila mula 1953 hanggang 1974. Ang CSMC na dating St. Paul Hospital ay itinayo ng Maryknoll Sisters. Ngunit nawasak ito dahil sa mga bombahan noong panahon ng World War II. Ipinagawa ito ni Cardinal Santos para magamot ang mga mahihirap. Bukod sa CSMC nawasak din noong panahon ng digmaan ang Manila Cathedral. At sa ilalim ng termino ni Cardinal Santos ay muli itong binuo noong Disyembre 1958 bilang alay sa Patron Immaculate Conception. Si Cardinal Santos din ang nagpasimuno ng Catholic Charity (tumutulong sa mga maralita) na mas makilala na ngayon sa tawag na Caritas Manila. Sa ilalim din ng pamumuno ni Cardinal Santos naganap ang unang pagbisita sa Pilipinas ng isang Santo Papa na si Pope Paul VI noong 1970. -GMANEws.TV

Tags: pinoytrivia