ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking nag-upload daw sa internet ng larawan ng mga nakahubad na menor de edad, dinakip


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inaresto sa Cebu ang isang lalaki dahil sa pag-upload umano sa social media site ng mga larawan ng mga nakahubad na menor de edad na lalaki.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI-Region 7), na nakumbinsi ng suspek ang mga menor de edad na maghubad sa pamamagitan ng chat.



Nagsumbong agad ang mga kaanak ng biktima sa NBI at inireklamo ang suspek.

Nang arestuhin, nakumpiska sa suspek ang ilang laptop computer na may mga larawan ng mga hubad na lalaki.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na mahaharap sa reklamong paglabag sa anti-pornography law. -- FRJ, GMA News

Tags: childabuse