ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

1, patay, 4 sugatan sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Davao city


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang isang lalaki matapos mabangga ng motorsiklo ang minamaneho niyang tricycle sa Davao City.

Ayon sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, apat katao pa ang nasugatan sa nangyaring insidente.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, hinihinalang nag-overtake ang motorsiklo kaya sumalpok ito sa kasalubong na tricycle.



Mabilis din umano ang takbo ng motorsiklo nang mabangga nito ang tricycle

Hindi pa nakapagbibigay ng pahayag ang rider ng motorsiklo.

Samantala, isa rin ang nasawi matapos tumagilid ang isang dump truck sa barangay Lumbia sa Cagayan de Oro city.

Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng trak nang nawalan ito ng preno at sumadsad sa kabilang lane.
Natapon sa kalsada ang karga nitong buhangin.

Nasawi sa naturang insidente ang pahinante ng trak, habang nasugatan naman ang drayber nito. -- FRJ, GMA News