ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bagong silang na sanggol, iniwan sa basurahan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang bagong silang na sanggol na nakakabit pa ang pusod ang nakita sa isang basurahan sa Pototan, Iloilo.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes, sinabing nakita ang sanggol sa isang basurahan sa barangay Barasan ng nabanggit na bayan.
Kaagad namang dinala sa ospital ang sanggol kung saan ito patuloy na inoobserbahan.
Natukoy at nahanap naman ng mga awtoridad ang ina ng bata at umamin.
Napag-alaman na inilihim ng ina sa kaniyang mga magulang ang kaniyang pagbubuntis.
Ito ang nakikitang dahilan ng pulisya kaya inabandona nito ang bagong silang na anak.
Pero dahil sa kaniyang ginawa, posible siyang sampahan ng kaso. -- FRJ, GMA News
Tags: abandonedbaby, baby
More Videos
Most Popular