ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Susan Roces dama ang kaibahan ng eleksyon ngayon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maagang bumoto sa San Juan ngayon Lunes si Susan Roces para sa mga kandidato ng oposisyon, ayon sa Eleksyon 2007 coverage ng GMA 7. Nang tanungin si Roces kung ano ang kaibahan ng halalan ngayon kumpara sa mga nagdaang eleksyon, sinabi nito na, "Para sa akin? Personally? Nag-iisa na lang ako. Dati may kasama akong bumoboto." Noong nakaraang 2004 presidential elections, kasama ni Roces na bumoto ang kanyang namayapang asawa na si Fernando Poe Jr., kinikilalang hari ng pelikulang Filipino at tumakbo sa pagka-presidente sa ilalim ng bandila ng oposisyon laban kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Marami ang naniniwala na nagkaroon ng malawakang dayaan sa botohan noong 2004 at habang nakabinbin ang protesta ni Poe sa Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), pumanaw si Poe noong Disyembre 2004 matapos ang isang brain attack o stroke. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nabubura ang alinlangan sa dayaan noong nakaraang eleksyon kaya't si Roces ay patuloy at aktibong sumusuporta sa mga piling kandidato ng oposisyon, na karamihan ay tumulong din sa kandidatura ng kanyang asawa. - Fidel Jimenez, GMANews.TV