ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ang unang pangalan ng Baguio


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kilala ang Baguio bilang summer capital ng Pilipinas dahil sa malamig na klima nito at talaga namang kaiga-igayang gawing bakasyunan. Ngunit alam nyo ba na hindi Baguio ang una nitong pangalan. Taong 1900 nang tumapak sa Baguio ang mga Amerikano at pangalanan ang lugar na “Kafagway." Gubat pa noon ang lugar, walang kalsada, iilan lamang ang nakatira. Nakita ni Gov. William Howard Taft ang potensiyal ng Baguio na magandang bakasyunan ng mga opisyal ng US kaya inilatag niya ang pagdevelop sa lugar. Nang taon din iyon, itinatag ng US ang lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Benguet at ang “Kafagway" ang pinili nilang kapitolyo nito. Paglipas ng panahon, tinawag na itong Baguio na hango sa isang halaman na kung tawagin ng mga katutubong Ibaloy ay “bigyiw." -GMANews.TV

Tags: pinoytrivia