ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking pinagbibintangang mangkukulam, pinagbabaril


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Duguan at wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kaniyang bahay ang isang 68-anyos na lalaki sa San Juan, Abra, na pinagbibintangang mangkukulam sa kanilang lugar.
 
Sa ulat ni Brigette Mayor ng GMA-Ilocos sa Balita Pilipinas nitong Huwebes, sinabing nagtamo ng mga tama ng bala ng armalite rifle ang biktima.



Ayon sa kanyang mga kapit-bahay, nakarinig sila ng mga putok ng baril. Pero natakot silang lumabas sa kanilang bahay kaya walang nakakita kung sino ang mga salarin.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman ang bintang na mangkukulam ang biktima kaya ito pimaslang.

Nakakuha ang mga imbestigador sa crime scene ng tatlong basyo ng bala mula sa M16 rifle.

Patuloy ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek, habang hustisya ang hiling ng mga kaanak ng biktima. -- FRJ, GMA News