ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sunog na bangkay na sinemento sa loob ng drum, nakita sa Bulacan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa masangsang na amoy, natuklasan ang isang sunog na bangkay na binuhusan ng semento sa loob ng drum sa Santa Maria, Bulacan nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News TV's Balitanghali nitong Biyernes, sinabing nakita ang drum sa bakanteng lote sa barangay Parada sa nabanggit na bayan.

Ayon sa mga residente sa lugar, noong isang araw pa nila napansin ang drum pero nitong Huwebes lang ng gabi nila ito ininspeksiyon matapos sumingaw na ang masangsang na amoy.



Nang buksan ng mga pulis ang drum, lumantad na ang sunog na bangkay.

Pero dahil sa tindi ng pagkakasunog, hindi na malaman ang kasarian ng biktima.

Naniniwala naman ang mga taga barangay na pinatay sa ibang lugar ang biktima.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima. -- FRJ, GMA News

Tags: crime